Basta

Ginising ako ni Nice kahapon kasi kakain na daw ng lunch. Yung bahay nila sobrang baliktad sa bahay namin. Sa kanila mapapagalitan ka kapag hindi ka kumain ng 3 beses sa isang araw; Samin swerte na ung may lutong ulam na hindi pinainit lang.

Parang dorm ung bahay. Sulit ang microwave at puro tupperware ng ulam ang ref. Wala ring formal dining table (or rather dining chairs!)… Hindi ko alam kung bakit hindi na kami bumili ng upuan para sa dining table. Maganda naman ung dining table namin, wood at may intricate design, ung nga lang plastic stools lang ang silya. Tapos plastic na nga hindi pa ata sapat sa aming lahat. LOL.

Napaisip tuloy ako kung kelan ung huling beses na kumain kaming lahat ng sabay sabay. Syempre hindi counted ung sa mga restaurants.

Medyo matagal na rin. Before pa siguro ako mag-work…so more than four years na.

Namiss ko tuloy.

Naalala ko lang nung bata pa kami, dapat by 6pm nagseset na ng mesa. Kasi uuwi na sila mommy. Pag kakain na bawal ung sabihin mo na busog ka.Magagalit pa si Daddy at pandidilatan ka ng mata pag hindi ka umupo. Ano kaya ung nangyari? Siguro nagbago un nung umalis na ako for college kasi 4 na lang silang sabay-sabay. Tapos nung nagte-thesis si Jun, nag-apartment din sya— so 3 na lang sila.

Matagal din ako hindi nakauwi, taon siguro in between visits. Pag balik ko, iba na. Hindi naman panget kasi ok lang naman na kakain ka pag gutom ka na. Madalas mas pinipili ko ung tulog kasi gabi ung pasok ko, ok na walang istorbo sa pagtulog. Siguro isang araw susubukan ko na magsabay-sabay ulit kami.

Sisimulan ko siguro sa silya. Anim na hindi natatago.

Sa April, sisimulan ko sa silya.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s